PWD jaywalking

ILOILO CITY – Humingi na nang public apology ang dalawang menor de edad na nag-viral sa video ng kanilang pagtawid sa daan at nagpanggap na persons with disability (PWD).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kina alyas Totoy at alyas Bibo, kanilang sinabi na labis silang nagsisisi sa ginawa at hindi na uulit pa.

Ayon sa dalawa, nais lang sana nilang magpatawa ngunit hindi nila alam na maraming PWD ang kanilang nainsulto at nasaktan.

Napag-alaman na maging ang mga job hires na nagpapatupad ng anti-jaywalking ordinance ng lungsod ay sinuspinde matapos makita sa video na tumawa lamang ang mga ito sa halip na hulihin ang mga ito.