Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga employers na ibigay ang tamang pasahod sa kanilang mga empleyado sa Hunyo-28, ang Muslim holiday na Eid al-Adha.
Batay sa Labor Advisory no14 series of 2023, tatanggap ang mga empleyadong papasok sa nasabing araw ng hanggang 200% sa kanilang basic wage.
Kung hindi naman papasok ang mga empleyado, makakatanggap pa rin sila ng 100% ng kanilang basic wage, basta’t nagtrabaho sila isang araw bago ang nasabing holiday, o naka-leave of absence with pay, bago pa man ang June 28.
Ang mga empleyado naman na magtatrabaho at maglalaan pa ng overtime work ay kailangang mabayaran ng dagdag na 30% sa kanilang rate kada oras, kasama ng 200% na kanilang matatanggap.
Kung nataon na ang June 28 ay rest day ng isang empleyado ngunit magtatrabaho pa rin ito, dagdag na 30% din ang kanilang matatanggap, kasama ang 200% ng kanilang sahod.
Una nang inilabas ng Malakanyang ang Proclamation no. 258 noong Hunyo-13, na nagdedeklara sa June 28 bilang isang national holiday bilang selebrasyon sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice, para sa mga nananampalataya sa Islam.