Handang maglunsad ng imbestigasyon si Philippine SEA Games Organizing Committee (PSGOC) chairperson Alan Peter Cayetano at ilang mga mambabatas sa sumbong na hindi nagbibigay ng diskuwento ang ilang mga establishimento sa bansa sa mga national atlethes.

Kasunod ito ng reklamong ipinaabot ni Wushu player at SEA Games gold medalist Agatha Wong na hindi siya nabigyan ng discounts.

Sinabi ni House Speaker Cayetano, na sila ay makikipag-ugnayan sa mga local government units para matiyak na naibibigay ang sapat na diskuwento sa mga persons with disabilities, senior citizens at mga atleta na naaayon sa batas.

Hihilingin nito ang tulong ng Bureau of Internal Revenues, Phlippine Sports Commission, Union of Local Authorities of the Philippines at Department of Trade and Industry para sa implementasyon ng nasabing batas.