DOH WHO UNICEF POlio
-- Advertisements --

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa mga sakit na maari namang maiwasan, partikular na ang polio.

Sa isang statement, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bagama’t matagumpay na nasawata ang problema sa polio, kailangan pa rin matiyak na hindi magkakaroon ng outbreak ulit sa pamamagitan nang pagpapabakuna.

“We call on the parents to ensure that your child gets their routine immunization so they can be protected against polio and other vaccine-preventable diseases,” ani Duque.

Kasabay nito ay hinimok ng kalihim ang mga magulang na makipag-ugnayan sa kanikanilang mga barangay health centers para malaman ang schedule ng routine vaccination sa kanilang lugar.

“This month, the DOH has launched the ‘Catch-up Routine Immunization’ to ensure delivery of National Immunization Program services to children. Ang mga bakuna po for routine immunization ay ligtas at libre, makipag-ugnayan lamang po sa local health centers sa inyong lugar,” giit ni Duque.

-- Advertisement --

Bukod sa polio, tinukoy din ni Duque ang kahalagahan nang pagpapabakuna kontra measles, rubella, at diptheria.