granular lockdown makati
-- Advertisements --

Bumaba sa 82 ang bilang ng mga lugar sa Metro Manila na nasa ilalim ng granular lockdown makalipas na bumaba rin ang COVID-19 cases sa rehiyon.

Base sa datos ng Philippine National Police (PNP), lumalabas na tatlong lugar na sakop ng Northen Police District, 13 sa ilalim ng Eastern Police District, 25 sa ilalim ng Manila Police District, 11 sa ilalim ng Southern Police District, at 30 sa ilalim naman ng Quezon Police District ang kasalukuyang naka-granular lockdown.

Sa 82 lugar, 38 ay pawang mga bahay, 18 ang residential buildings, 13 ang subdivisions o villages, pito ang mga kalye, at anim naman ang residential floors.

Sa kabuuan, 242 PNP personnel at 234 force multipliers ang naka-deploy sa naturang mga lockdown areas.