CENTRAL MINDANAO-Positibong may mga lokal na kandidato sa North Cotabato ang hiningian ng permit to Campaign’ Fees ng New Peoples Army (NPA).

Ayon kay 39th Infantry Battalion Commanding Officer Lt/Colonel Rhojun Rosales na posibling masuspinde at madiskwalipika ang isang kandidato kung magbibigay sila ng permit to campaign’ fees sa mga NPA.

Sa ngayon ay wala namang namomonitor ang mga otoridad ng mga pulitiko na nagbabayad sa mga NPA para makapasok at makapagkampanya sa mga lugar na balwarte ng mga rebelde.

Aminado si Rosales na may nakikisimpatiya sa NPA ngunit wala silang ebidensya na nagbibigay ng direktang suporta mula nang magsimula ang pangangampanya.

Kung mapapatunayan ay maaring matanggal sa pwesto ang isang kandidato.

-- Advertisement --

Positibo rin na may direktang ugnayan o kontak sa pagitan ng mga lider ng NPA at mga matataas na opisyal ng NPA sa North Cotabato.