BAGUIO CITY – Matagumpay ang ikalawang offsite registration na isinagawa ng Commission on Elections (Comelec)-Baguio sa Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay Major Reynan Afan, taga-pagsalita ng PMA, malaking tulong ang offsite registration para sa mga kadete at staff ng akademya para makabahagi ang mga ito sa 2020 Barangay at SK Elections.

Inihayag niya na nakapag-parehistro ang mahigit sa 900 na kadete at staff ng akademya sa ikalawang offsite registration.

Idinagdag ni Afan na kapag matutuloy ang halalan sa darating na taon ay posible makikibahagi dito ang dalawa hanggang 3,000 staff at kadete ng PMA.