DAVAO CITY – Dismayado ang mga investors ng investment scam ng Gambaru Trading & Consultancy matapos magpalabas ng mensahe ang nagpakilalang CEO ng kompaniya na si Gualberto Montilla dahil walang nangyaring refund ng pera sa kanilang mga investors sa petsa na kanilang ipinangako.

Sa kanyang mensahe, humingi ng paumanhin si Montilla dahil hindi nagawang maibalik ang kapital ng mga investors na sisimulan sana noong Hulyo 29 base sa kanyang pinirmahan na undertaking.

Sinasabing hindi rin umano tumupad ang kanyang provider sa kanilang pangako dahilan kaya walang perang mailalabas para ibalik sa kanilang mga investors.

Muling nangako ito sa kanilang mga investors na hindi tatakas sa kanilang obligasyon at humiling ng dagdag na panahon pa para matupad ang pangako na ma-refund ang lahat ng pera.