theresa may emotional
British PM May

Lalong dumami pa ang mga interesadong pumalit sa puwesto ni British Prime Minister Theresa May.

Ito ay matapos na inanunsiyo ni May ang kaniyang pagbaba bilang lider ng governing Conservative party.

Mananatili muna ito sa puwesto hanggang sa makapili na ang kaniyang partido na papalit sa kaniya.

Ilan sa mga napipintong papalit dito ay sina dating foreign minister Boris Johnson, kasalukuyang foreign minister Jeremy Hunt at environment minister Michael Gove.

Magugunitang napilitang bumaba sa puwesto si May matapos mabigong isulong ang Brexit deal nito.