-- Advertisements --
pnp chief rodolo azurin jr

Ipinagmalaki ng Philippine National Police ang mga inisyatiba sa pagreporma nito sa mga sistema at pamamaraan ng pulisya para sa mas mainam na serbisyo nito sa pagtugon sa mga pangangailangan ng lipunan.

Sa isang statement ay ipinahayag ito PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. kasabay ng kaniyang malugod na pagtanggap sa pag-angkat ng ranking ng Pilipinas sa “Rule of Law index” ng World Justice Project.

Ito ay matapos na umakyat ang Pilipinas sa ika-97th place ngayong taon mula sa dating ika-102 na pwesto nito noong nakaraang taon batay sa pinakabagong ranking ng 140 na mga bansa at teritoryo sa buong mundo.

Ayon kay PNP chief Azurin, improvement ng Pilipinas pagdating sa”order and security” parameters na nakasaad sa naturang ranking ay isang patas na pagkilala sa inisyatiba ng PNP sa pagpapatupad ng rule of law sa enforcement, prosecution, judiciary, corrections and community pillar ng criminal justice system ng bansa.

Giit pa ng PNP chief, para sa mas epektibong pagpapatupad ng batas sa bansa ay kinakailangan aniya ang pagrespeto sa rule of law at karapatang pantao.

Samantala, sa kabilang banda naman tiniyak ng pambansang pulisya na magpapatuloy ito pagpapatupad ng policing reforms sa bansa bilang bahagi ng kanilang inisyatiba na panaigin ang pagpapatupad ng rule of law sa Pilipinas.