Nakahanda na ang maraming Hollywood actors para sa 77th Golden Globe Awards.

Gaganapin ngayong 9 a.m. ng Lunes Enero 6 ang nasabing awarding ceremony sa Beverly Hills, California.

Ilan sa mga inaasahang maghahakot ng awards ay ang pelikulang “Joker” , “The Two Popes” , “Marriage Story” , “1917” at “The Irishman”.

Magiging host ngayong taon ang komedyanteng si Ricky Gervais habang magiging presenter naman ang actress na sina Scarlett Johansson, Margot Robbie at actor Rami Malek.