HEALD
-- Advertisements --

Nakatanggap ng tig-P6,000 na cash incentives ang mga health workers ng Navotas City na tumulong sa kasagsagan ngayong ng COVID-19 pandemic.

Isinagawa ang pagbibigay ng cash assistance nitong Biyernes Oktubre 15.

Sinabi ni Mayor Toby Tiangco na mararapat lamang na kilalanin ang sakripisyo ng mga health workers.

Napapaloob kasi sa City Ordinance ng lungsod ang pagbibigay ng one-time cash incentives ng mga Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ng lungsod.