Hindi magiging limitado ang makukuhang service credit ng mga guro na lalahok sa National Learning Camp (NLC) na ipapatupad na sa Hulyo sa kasagsagan ng school break ayon sa Department of Education (DepEd).
Noong 2003 kasi ay nilimitahan lamang ng Deped sa 15 araw ang service credit para sa mga guro.
Ayon kay DepEd Undersecretary and Spokesperson Michael Poa, ang ibibigay sa learning camp ay mahigit pa at mas mataas pa sa limit at hindi masasakop ang mga guro na kasama sa learning camp sa limitasyon na 15 araw na service credit.
Ipinunto naman ng DepEd official na ang paglahok sa National Learning Camp ay boluntaryo para sa mga guro at mga estudyante.
Ibinibigay ang service credits sa mga guro upang ma-oofset ang kanilang absences dahil sa sakit kung saan ayon sa DepEd ang isang workday service credit ay ginagamit para ma-offset ang isang araw ng absent.
Layunin ng isasagawang NLC sa Hulyo 24 ay matugunan ang learning gaps at nawala dahil sa pagsasara ng mga eskwelahan dahil sa COVID-19 pandemic.