Pablo Picasso
-- Advertisements --

Naibenta sa auction ng halos $110 milyon ang 11 artworks na gawa ni Pablo Picasso.

Ang nasabing mga sining ay mahigit dalawang dekada ng naka-display sa MGM Resorts sa Las Vegas, Nevada.

Binubuo ito ng siyam na paintings at dalawang ceramic pieces na gawa ng Spanish artist bago ito pumanaw noong 1973.

Bawat isa sa paintings anila ay hindi bababa sa $20-M ang halaga nito.
Hindi naman na binanggit ng auction house ang nakabili nito.

Magugunitang ang pinakamahal na painting ni Picasso ay nabili sa halagang $179.4-M noong 2015 na tinaguriang “The Women of Algiers”.

-- Advertisement --