Nagkaisa ang mga sikat na fashion designers at brand na gumawa ng personal protective equipment (PPE) para sa mga bansang labis na tinamaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa US lamang ay pumayag na ang mga sikat na fashion company sa New York matapos na manawagan si Governor Andrew Cuomo dahil sa kakulangan ng gagamitin ng mga health workers.

Ang nasabing hakbang ay kanilang naisipan matapos na mahinto ang mga pagawaan ng mga damit dahil sa lockdown.

Bukod sa US ay maraming mga sikat na fashion brand sa Europe ang gumawa rin ng hakbang kung saan target nilang matulungan at mabigyan ng personal protective equipment ang Italy na lubhang natamaan ng COVID-19.