Hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa oras na magtake-over na ang SMC-SAP 7 Co. Consortium sa operasyon at maintenance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ang tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) matapos na manalo nga ang naturang consortium sa bidding para sa P170.6 billion na rehabilitation project ng NAIA.
Paliwanag ni Transportation Sec. Jaime Bautista na parte ng concession agreement ay mabigyan ng posisyon ang mga kasalukuyang empleyado ng MIAA, mapa-regular employee man ang mga ito, contract of service o job order.
Sinabi din ng kalihim na ang mga empleyado na walang kinalaman sa operasyon ay mananatili din sa MIAA.
Paglilinaw pa ng opisyal na bagamat ang naturang consortium ang mangangasiwa sa operasyon at maintenance ng NAIA, magiging pokus naman ng MIAA ay ang pagiging airport regulator nito.