latest doh case bulletin 0530

Sumampa na sa mahigit 17,000 ang bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health, 590 ang nadagdag sa mga COVID-19 cases sa bansa, kaya umakyat pa ang kabuuang bilang sa 17,224 na mga kaso.

Sa nasabing bilang, 252 ang itinuturing na mga “fresh” cases, habang ang 338 iba pa ay mga “late” cases na.

Samantala, lumobo pa sa 3,808 ang mga gumagaling mula sa nakahahawang sakit, matapos madagdagan ng 88.

Habang ang death toll naman ay nadagdagan ng walo, dahilan para umabot na sa 950 ang total number.