ILOILO CITY – Umupo na sa puwesto ang bagong station commander ng Philippine Cost Guard-Iloilo at PCG-Guimaras.

Ito ang kasunod ng pag-relieve kina PCG-Iloilo Commander Perlita Cinco at PCG-Guimaras Commander Joe Luviz Mercurio dahil sa nangyaring trahedya sa Iloilo Strait.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Commo. Allan Victor Dela Vega, commander ng PCG-Visayas, sinabi nito na si Capt. Erlinda Benliro na ang commander ng PCG-Iloilo samantalang si Lt. Cmdr. Jose Jacinto Jr. naman ang pinuno ng PCG-Guimaras.

Ayon kay Dela Vega, ang pagsibak kina Cinco at Mercurio ay bahagi ng procedural action tuwing may ginagawang imbestigasyon.

Sina Benliro at Jacinto ay kapwa galing sa PCG-Western Visayas headquarters.

Napag-alaman na nag-umpisa noong Lunes ang imbestigayon sa dalawang PCG official na ni-relieve kasunod ng trahedya sa Iloilo Strait kung saan 31 ang patay.