Humihingi ng $500,000 ang apat na armadong kalalakihan na dumukot sa turistang Amerikano sa Uganda.

Ito mismo ang kinumpirma ng Ugandan Tourism and Ugandan police force.

Ayon pa sa mga kapulisan ginamit ng mga armadong kalalakihan ang cellphone ng biktima para humingi ng ransom.

Magugunitang dinukot ang babaeng American citizen at Ugandan driver nito habang sila ay nasa Queen Elizabeth National Park sa southwest Uganda.

Tiniyak naman ng mga otoridad na sila ay magsasagawa ng operasyon para mailigtas ang mga dinukot na biktima.