Posible umano na dahil sa nagdaang holiday season kung bakit nakakakita ang Department of Health (DOH) nang pagtaas sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila.

Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kasalukuyang binabantayan ng ahensya ang bahagyang pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit.

Hindi aniya malyo na epekto ito ng holiday season dahil nag-uwian ang karamihan ng mga Pilipino sa kani-kanilang mga probinsya at nagkaroon din ng salu-salo o selebrasyon.

Nakita ang spike sa COVID-19 cases sa Cordillera Administrative Regiuon (CAR), Cagayan Valley, Bicol Region. Central Visayas, Davao Region, SOCCSKSARGEN, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).