NAGA CITY- Nagpaalala si Coun. Elmer Baldemoro ng mga aktibidad na pwedeng isagawa sa pagdiwang ng PWD month ngayong buwan ng Hulyo.

Sa naging pahayag ni Baldemoro sa session regular sa Sangunian panlungsod sinabi nito na ito ay dahil isa ang mga PWD sa mga delikado sa sakit na coronavirus disease.

Ayon dito ang ikatlong linggo ng Hulyo ang maituturing bilang pag-alala sa National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week.

Ito ay sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Naga at ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO).

Hinimok naman nito ang lahat ng mamamayan na makiisa sa bawat taon ng pagdiwang ng week long celebration ng naturang aktibidad.

Ngunit dahil sa kinakaharap na pandemic kailangan umanong limitahan lamang ang mga aktibidad na isasagawa.