Cash Jeep
-- Advertisements --

Ipinasara ng National Privacy Commission (NPC) ang ilang online lending apps dahil sa reklamo ng iligal na pagkuha ng mga personal information ng kanilang mga kliyente.

Ayon sa NPC, naglabas na sila sa mga operators ng mga lending apps na JuanHand, Pesopop, CashJeep at Lemon Loan para itigil ang pagproseso ng mga personal data ng kanilang mga borrowers.

Sumulat na rin sila sa National Telecommunications Commissions (NTC) at Google LLC para tanggalin na ang apps sa internet at sa Google Play Store.

Ayon Privacy Commissioner Raymund Liboro na gaya ng mga reklamo noon sa online loan ay pinapahiya nila at binabantaan ang kanilang kliyente na hindi nakakapagbayad sa tamang oras sa pamamagitan ng pag-mensahe sa mga nasa contact list nila.

Sa ngayon ay nasa 200 na online lending apps ang kanilang iniimbestigahan na dahil sa parehas na reklamo.

-- Advertisement --