Walang natatanggap na report ang militar sa Sulu na pinoprotekhan ng mga bandidong Abu Sayyaf ang umano’y mga drug operators sa probinsiya.

Ayon kay Joint Task Group Sulu commander B/Gen. Cirilito Sobejana na kanila pang tinutukoy sa ngayon kung nagsisilbing protector ang ASG ng mga drug lords sa lugar.

Pahayag ni Sobejana na kumpirmadong gumagamit ng iligal na droga ang teroristang grupo.

Nakumpirma ito ng militar matapos, masawi ang isang ASG member kahapon sa isinagawang anti-drug operations ng AFP at PNP sa umano’y drug den.

Sinabi ng heneral na kita naman kung paano mamugot ng ulo ang Abu Sayyaf na tiyak high ang mga ito sa illegal drugs.

Isang Abu Sayyaf patay habang 34 ang arestado sa isinagawang anti-drug operations ng AFP-PNP sa Barangay Danag, Patikul, Sulu kahapon ng madaling araw.