Justice Sec. Menardo Guevarra
-- Advertisements --

MANILA – Walang batas na nagbabawal sa mga abogado na magmay-ari ng baril o armas.

Ito ang nilinaw ni Justice Sec. Menardo Guevarra matapos ang brutal na pag-atake sa isang abogado sa Iloilo City nitong buwan.

“Lawyers know that their job exposes them to danger, and there is no law prohibiting them from arming themselves,” ani Guevarra sa interview ng DZBB.

Katunayan, ayon sa kalihim, maaaring tulungan ng gobyerno ang mga abogado para mapabilis ang proseso ng kanilang mga lisensya at permit sa pagmamay-ari ng armas.

Aminado si Guevarra na nakaka-alarma ang nakaraang insidente ng pag-atake sa hanay ng mga abogado.

-- Advertisement --

Gayunpaman, hindi raw talaga imposible ang mga ganitong insidente dahil sa trabaho ng mga abogado.

Kung maaalala, pinagsasaksak ng dalawang hindi pa makilalang suspek nitong buwan si Atty. Angelo Karl Guillen, isa sa mga petitioner laban sa Anti-Terrorism Law.

Nagpapagaling pa ngayon ospital ang biktimang abogado.

Payo ng Justice secretary, maaaring makipag-ugnayan ang mga abogado sa kanilang asosasyong kinabibilangan at law enforcement agencies para sa proteksyon.

Sa artikulo ng online news site na Rappler, aabot na sa 53 abogado ang pinatay sa ilalim ng administrasyong Duterte. Kabilang na rito ang ilang piskal at huwes.