Mexico Border
US-Mexico Border

Nagdagdag ng 15,000 mga sundalo ang Mexico sa US-Mexico border nila.

Sinabi ni Mexican Secretary of Defense Luis Sandoval, na binubuo ito ng mga sundalo mula sa National Guard.

Mayroon ng naunang 4,500 na sundalo mula sa Mexico ang nakatalaga sa nasabing lugar.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng ginawang pag-pressure ni US President Donald Trump sa Mexico na paigtingin ang pagbabantay sa mga illegal migrants na tumatawid sa kanilang border.