Silver King BBC photo
BBC photo

Tuluyan na umanong binawian ng buhay ang Mexican professional wrestler at aktor na si Cesar Barron o mas kilala bilang si Silver King.

Batay sa impormasyon, ito’y matapos biglang mahimatay ang 51-year-old wrestler sa gitna ng Camden Roundhouse bout kung saan nahulog daw ito sa canvas.

Nakilala si Silver King nang makatambal nito ang comic actor na si Jack Black sa 2005 film na “Nacho Libre.” (BBC)