Nasungkit ngayon ni Lionel Messi ang IFA Men’s Player of the Year award, habang ibinulsa naman ni Megan Rapinoe ang women’s prize.

Tinalo ni Messi ang “heavy favorite” na si Virgil Van Dijk, na pinamunuan ang Liverpool tungo sa Champions League noong nakalipas na season.

Sa ngayon, magtatagisan naman sina Messi at Van Dijk para sa pinag-aagawang Ballon d’Or na inaanunsyo sa Disyembre 2.

Bukod sa dalawa, na-shortlist din para sa award si Juventus forward Cristiano Ronaldo.

Samantala, nagapi naman ni Rapinoe ang teammate na si Alex Morgan, at Lucy Bronze ng England para sa women’s title.

Napanalunan ng 34-year-old ang Golden Boot dahil sa pagiging top scorer, at ang Golden Ball bunsod ng pagiging best player sa World Cup.