NAGA CITY – Sugatan ang isang menor de edad matapos na mahagip ng isang motorsiklo sa Barangay Borongborongan, Milaor, Camarines Sur.

Sinabi sa Bombo Radyo ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) na tumatawid sa kalsada ang isang walong taong gulang na batang babae nang mahagip ito ng isang motorsiklo na minamaneho naman ng suspek na si Alvin Guinoo, 29-anyos.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.