NAGA CITY- Hindi na umabot ng buhay ang isang menor de edad matapos malunod sa isang lawa sa Brgy. Dalahican, Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Jerry Boy Sadiwa 11-anyos residente ng nasabing lugar.

-- Advertisement --

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), sinasabing naliligo umano ang bata sa lawa kasama ang ilang mga kaklase nito ng mapunta ito sa malalim na bahagi ng nasabing lawa.

Kaugnay nito, aksidente umano itong nalunod lalo na at walang sapat na kaalaman sa paglangoy.

Agad naman itong dinala sa ospital subalit idineklara ng dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nakatakda namang isagawa ang post mortem examination sa bangkay ng biktima.