Abala man ang karamihan sa pag-abang sa May 13 midterm elections sa Lunes, hindi naman pinalampas ng ilang celebrities mapa-sa local at Hollywood ang pagbibigay pugay sa lahat ng mga ina, nanay, mama, mommy, at “momshie” na extra special ang araw bukas, May 12.

Tulad na lamang ng single mom na si Ruffa Gutierrez na mayroon agad online post kasama ang dalawang anak na babae nito mula sa nakahiwalayang foreigner husband.

Ruffa with daughters
Because every picture tells a story …✨🌈☀️
•
•
It’s Mother’s Day this Sunday and I’m feeling blessed. 👩‍👧‍👧💛

Sa isang panayam, inihayag ng beauty queen turned actress na sakaling makaroon uli siya ng anak na walang tatay ay kakayanin niya pa rin ito.

Maaga na ring nagdiwang ng Mother’s Day si LJ Reyes kung saan ibinida nito ang simpleng box na naglalaman ng chocolate at bulaklak mula sa walong taong gulang na anak.

“I don’t know if you can see it but he wrote on the box I LOVE YOU MOMMY! Happy Mother’s Day indeed!” saad ni LJ sa kanyang May 7 post.

Una nang inamin ni LJ ang mga hirap bilang single mom sa anak nila ng dating celebrity boyfriend na si Paulo Avelino.

Gayunman, “good kuya” naman ang panganay nito sa pag-aalaga sa four-month-old baby na kanyang anak sa bagong kasintahan na si Paolo Contis.

Sa panig ni Heart Evangelista na dalawang beses nang dumanas ng miscarriage, ay tiwala pa ring magiging ina sa takdang panahon.

“I am currently focusing on what the universe all of a sudden presented to me and so maybe we try again end of next year,” saad nito sa April Instagram Q&A session.

Nagpahiwatig naman ang 34-year-old actress na magiging pribado ang kanyang pagbubuntis at gugulatin na lamang ang publiko kapag nanganak na siya.

“One thing is for sure I will announce only when I give birth. I will make sure to protect my baby from any kind of negative energy,” dagdag nito.

Samantala, kasama ng actress turned Duchess of Sussex na si Meghan Markle ang ina nitong si Doria Ragland sa pagdiriwang ng kanyang first ever Mother’s Day.

Batay sa impormasyon, sa kanilang bahay sa Windsor lang magdiriwang si Markle lalo’t kakapanganak lang din nito sa pang-pito sa British throne na si (Master) Archie Harrison Mountbatten-Windsor.

Archie
(C) forbes

Nabatid na natapos nang ipagdiwang sa United Kingdom ang Mother’s Day noong March 31, pero lumaki sa Amerika lumaki si Markle kaya sasabay pa rin ito sa nasabing selebrasyon.