ILOILO – Patay ang isang responder ng Zarraga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos pinagbabaril sa Brgy. Agusipan, Badiangan, Iloilo.
Ang biktima ay nakilalang si Kim Richard Gerada, 32, residente ng Barangay Jalaud Norte, Zarraga.
Ang suspek naman ay si Ricardo Prodigo III, 24, residente ng Barangay Agusipan, Badiangan, at kapatid ng live-in partner ng biktima.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Lt. Ma. Rosario Miranda, hepe ng Badiangan Municipal Police Station, sinabi nito na habang naglalaro ng baraha ang biktima, biglang dumating ang suspek dala ang .45 caliber pistol.
Apat na empty shells ang na-recover sa lugar.
Kaagad tumakas ang suspe, ngunit makalipas ang ilang oras ay sumuko rin sa mga pulis.
Hindi pa malinaw ang motibo sa krimen.
Napag-alaman ring tatlong araw pa lang ang biktima sa nasabing lugar at balak sana na doon na manirahan kasama ang live in partner at dalawang anak.