Agad na nagpaabot ng kanyang pagbati si MMA star Conor McGregor matapos na pumirma na rin ng kontrata sa kanyang promotional firm si Sen. Manny Pacquiao.

Una rito, inanunsyo ng sports management company na Paradigm Sports Management na lumagda na sa kanila ng kasunduan ang Pinoy ring superstar.

Sa isang social media post, nagbigay ng kanyang welcome message si McGregor para kay Pacquiao, na umano’y posibleng magtagpo sa ibabaw ng ring sa hinaharap.

Nitong nakaraang buwan sa naging laban ni McGregor ay inilutang din nito ang pangalan ni Pacquiao bilang isa sa kanyang mga targets sa next fight.

Si Pacquiao ang kauna-unahang professional boxer na sumali sa naturang kumpanya.