Tinanggap na ni UFC star Conor McGregor ang hamon na harapin niya si Anderson Silva.

Sinabi ng Irish fighter na isang magandang pasimula sa UFC ang makaharap niya si Silva dahil sa matagal na natigil ang mga laban dulot ng coronavirus pandemic.

Nauna rito nagpost sa kaniyang social media account si Silva at hinahamon si McGregor na labanan siya sa 176 pound na catchweight.

Noon pang 2019 ay tinatarget na ni Silva na makaharap si McGregor.

Paglilinaw naman ni UFC President Dana White na wala pang kontratang natatapos sa nasabing laban at kanila muna itong pag-aaralan.