Pangunahing prioridad ngayon ni UFC star Conor McGregor na makabalik sa laban.

Sinabi ni Audie Attar ang manager ng Irish fighter na ito muna ang tanging target nila matapos ang panalo nito kay Donald Cerrone noong Enero.

Hindi muna rin nila iniisip ang pagbablik niya sa boxing subalit target pa rin nilang makaharap si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Ilan sa target nilang makalaban ay si Justin Gaethje at matapos ang UFC ay maaring lumipat sila sa boxing.

Nauna rito lumabas ang balitang inaayos na ng panig ni McGregor at ni Pacquiao ang kontrata para sila ay magharap ngayong taon.

Magugunitang noong 2017 ng sumabak sa boxing si McGregor ng makalaban niya si US boxing champion Floyd Mayweather Jr.