Reading Time: 1 minute
mayweather
Floyd Mayweather Jr.

Nagdadalawang-isip ngayong si Floyd Mayweather Jr na muling bumalik sa boxing.

Ito mismo ang kinumpirma ng kaniyang adviser na si Leonard Ellerbe matapos ilang pakikipagpulong sa undefeated boxing champion.

Ang nasabing pahayag ay kasunod na rin ng sagutan nila ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Nauna ng ipinahayag ni Ellerbe na sarado na ang isip ni Mayweather sa muling pagbabalik sa boxing ganun din ang rematch kay Pacquiao.

Nilinaw din nito na hindi na kailangan pa ni Mayweather na patulan pa nito ang patutsada ni Pacquiao para lamang ipalutang ang nilulutong rematch nila.