Floyd Mayweather
-- Advertisements --

Nag-alok si US boxing champion Floyd Mayweather Jr sa pamilya ng pinatay na black American na si George Floyd na kaniyang sasagutin ang funeral service nito.

Sinabi nito Mayweather na ito ang isa sa tanging maitutulong niya sa nasabing pamilya.

Labis-labis kasi ang hinagpis na kaniyang naramdaman sa nangyari kay Floyd na nasawi sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.

Hindi pa nagbibigay ng anumang reaksyon ang mga kaanak ng nasawing si Floyd.