Reading Time: 1 minute

Nasayang ang paghihintay ng mga mamahayag kay US boxing champion Floyd Mayweather Jr matapos na hindi na ito nagpaunlak ng panayam.

Itinakda kasi sa alas-tres ng hapon ang press-conference nito sa Resorts World Manila subalit makalipas ng walong oras ay inanunsiyo ng organizer na hindi na ito matutuloy.

Dumating sa hotel ang boksingero pasado alas-onse na ng gabi subalit ito ay agad na dumiretso sa kaniyang inupahang kuwarto.

Floyd Mayweather jr/ IG post

Ayon naman sa kampo nito na maaaring napagod si Floyd Jr dahil sa pagbisita nito sa clinic ni Dr. Vicky Belo kung saan sumailalim ito ng thermage treatment at nagkaroon ng photoshoot para sa Belo Group sa New World Makati.

Nagshopping pa ito sa Greenbelt at matapos nito ay kumain siya sa Mall of Asia.

Magugunitang matapos na bumisita sa Maldives ay nagtungo si Floyd Jr sa Boracay kung saan inaasahan na ngayong araw ay babalik na sa US ito.