Walang balak si US boxing champion Floyd Mayweather Jr na bumalik pa sa pagbo-boksing.

Sinabi ng retired boxing champion kahit na gaano kalaki ang iaalok sa kaniya para labanan si Filipino boxing champion Manny Pacquiao ay hindi na ito babalik pa.

Kuntento na aniya ito sa mga negosyo niya at marami pang ibang pinagkakaabalahan.

Pinuri niya ang galing ni Manny Pacquiao at kapwa na rin silang nag-move on mula sa unang laban nila.

Magugunitang pumasyal sa Boracay si Mayweather at naging abala sa ilang endorsement nito.