Umalma ngayon si Pasig City Mayor Vico Sotto sa inilabas na order ng National Bureau of Investigation (NBI) na magpaliwanag sa umano’y paglabag nito sa Bayanihan to Heal as One Act.

Iginiit ng alkalde na sumunod ang mga ito sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“We complied with all directives. Hindi po illegal magbigay ng opinyon. Alam kaya nila na March 24 naging batas ang Bayanihan Act,?” ani Sotto.

Una rito, sa inilabas na order ng NBI, inimbitahan nila si Sotto sa kanilang main office sa Manila para magpaliwanag.

Kinumpirma naman ito ni NBI Deputy Director at Spokesperson Ferdinand Lavin at sinabing kailangang magpakita at magpaliwanag ang alkalde sa NBI office sa Abril 7.

Wala namang binanggit ang NBI kung ano ang partikular na nilabag ni Sotto sa Bayanihan to Heal as One Act.