Mayor Sara Duterte
-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sinupalpal ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang kuwalisyon ng democratic forces na tinatawag na 1Sambayan.

Una ng sinabi ng alkalde na inangkin ng mga ito na sila ay kuwalisyon ngunit tinanggihan ang napakaraming hindi sang-ayon sa kanila.

Kung gusto umanong maging matagumpay ang 1Sambayan, dapat umanong manawagan ito sa mga tao na magkaisa at hindi ang mensahe na may salitang tanggihan.

Pinangunahan ang nasabing koalisyon ni retired senior associate justice Antonio Carpio na nagsabing wala umanong nagawang mabuti ang Duterte administration sa mga Filipino at walang sapat kakayanan.

Kabilang sa nasabing grupo ang Bayan Muna, Magdalo, labor groups, religious at marami pa.

-- Advertisement --

Naniniwala ang 1sambayan na makakapili sila ng mga kandidato sa 2022 election na maaaring manalo laban sa kasalukuyang administrasyon kung saan pipiliin umano nila ang pinakamahusay na mga kandidato na magtatatag ng mabuting pamamahala sa bansa.