Reading Time: 1 minute
inday sara duterte
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Hindi makakadalo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Sinabi nito na naghain siya ng special medical leave ng hanggang 60 araw.

Ito mismo ang payo ng kaniyang gynecologist at hindi na nito nagdetalye pa.

Dagdagpa nito na tanging ang mga kapatid nitong sina Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte at Davao Representative Paolo Duterte ang dadalo sa SONA ng kanilang ama.