cropped inday sara duterte 2
-- Advertisements --
cropped inday sara duterte 2

Kinumpirma ngayon ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi na ito tatakbo bilang pangulo sa 2022 elections.

Ayon kay Mayor Sarah, ito ay dahil tinanggap na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte nomination sa kanya bilang vice president.

Sinabi ng alkalde na napagkasunduhan daw nila ng kanyang ama na isa lang sa kanila ang tatakbo sa national position.

Una rito, ini-nominate ng PDP-Laban Cusi faction ang Sen. Bong Go, Duterte tandem.

Una nang tinututulan ang Duterte-Carpio tandem sa susunod na taon.

-- Advertisement --