BAGUIO CITY- Personal na nag-ikot si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pagilid ng merkado publiko ng lungsod.

Inobserbahan ng alkalde ang kasalukuyang sitwasyon ng merkado kasabay ng enhanced community quarantine.

Ipinaalala niya sa mga vendors ang iba’t-ibang pamamaraan para makaiwas sa coronavirus disease gaya na lamang ng paggamit ng face mask at pag-obserba ng social distancing.

Pinayuhan pa ni Magalong ang mga matatandang vendors na manatili na lamang sila sa kanilang tahanan.

Una nang inihayag ng alkalde na magpapatuloy ang dating oras ng operasyon ng Baguio City Public Market na mag-uumpisa sa alas singko ng umaga at magtatapos sa alas singko ng hapon.