Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na muling pangunahan ang giyera kontra iligal na droga.

Ito’y matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niya nang ibalik sa PNP mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangungunguna sa war on drugs.

Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Supt. Vimelee Madrid, may mga plano ang PNP para magpatupad ng pagbabago sa ikakasang war on drugs pero hindi pa ito naisasapinal.

Hindi pa naman daw kasi pormal na ibinalik sa PNP ang anti-illegal drugs operation.

Inihayag ni Madrid na isa mga ipapatupad nilang revision ay masiguro na walang mga police scawalag ang nakakasama sa kanilang anti-illegal drugs operation.

Binigyang-diin ni Madrid na ginagawa ng PNP ang lahat para malinis ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng maigting na internal cleansing.

Hindi naman maipapangako ng PNP na magiging “less bloody” ang pagbabalik ng PNP sa war on drugs.