-- Advertisements --

Sasampahan ng kaso ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may-ari ng barge na sangkot sa oil spill incident sa Iloilo kung kakailanganin.

Sa isang statement, sinabi ng PCG na tutungo sa Iloilo City ang kanilang Legal Affairs Team para tumulong sa imbestigasyon.

Nitong Sabado lang, ibinahagi ng PCG ang mga litrato ng kanilang recovery operation matapos na kumalat ang nasa 40,000 liters ng bunker oil sa karagatang bahagi ng Zone 3, Bario Obrero sa Lapuz Iloilo City noong Biyernes.

Base sa inisyal na imbestigasyon, isa sa apat na tangke ng Power Barge Number 102 ang sumabog.

Kaagad namang ipinadala sa pinangyarihan ng insidente ang mga oil skimmers para sa recovery operation.

Limang karagdagang segments ng oil spill boom ang inilatag ng PCG para maprotektahan ang mangrove area malapit sa lugar kung saan nangyari ang insidente.