Na-upset ng Dallas Mavericks ang top NBA team na Utah Jazz, 111-103.
Nanguna sa opensa ng Mavs si Luka Doncic na tumipon ng 31 points, habang tumulong naman si Dorian Finney-Smith na nagpakita ng season-high na 23.
Dahil dito natuldukan ang pamamayagpag ng Jazz na nine-game winning streak para sa kanilang record na 38-12.
Para naman sa Dallas (28-21) ito ang una nilang panalo sa tatlong beses na paghaharap nilang ngayong season.
Ang kanilang panalo ay sa kabila na hindi paglalaro ni Kristaps Porzingis, ang Mavs No. 2 scorer at leading rebounder bunsod ng sprained right wrist.
Ginulat ng Mavs sa three-point area ang karibal na team na siyang pamatay sa mga laro ng Jazz.
Sa init ng Mavericks, naipasok nila ang 23 mula sa 49 na pagtatangka sa long range area.
Habang ang Jazz ay nagkasya lamang sa 12 mula sa 44 na attempts.
Ang top scorer ng Jazz na si Donovan Mitchell ay inalat din na meron lamang 16 points.
Nasayang naman ang ginawa ni Mike Conley na nagtala ng 28 points.
Sinabi Bojan Bogdanovic at Jordan Clarkson ay parehong may tig-16 points, samantalang si Rudy Gobert ay nagtapoas sa 14 points at 15 rebounds.