Malaki ang involvement ng Maute patriarch na si Cayamora Maute sa aktibidad at operasyon ng terorista Maute.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na batay sa nakuha nilang impormasyon, ang nakatatandang Maute ang siyang nagsuporta sa ilang mga aktibidad ng Maute terror group.

Sinabi ni Padilla na may report silang natanggap na mismong si Cayamora ang siyang nagbibigay direksiyon sa operasyon ng teroristang grupo partikular ang ginawang paglusob ng mga ito sa Marawi City.

“Dahil siya ang patriarch siya ang nagsuporta sa mga ilang activities ng Maute group at base sa nakita nating report siya po ay namataan sa lugar ng Marawi na nagdidirect ng operasyonnung kasalukuyang nagkakaroon ng kaguluhan dun,” pahayag ni Padilla.

Si Cayamora ay kasakuluyang nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Bicutan, Taguig.

Ang paglipat sa Metro Manila ng nakakatandang Maute ay para tiyakin ang seguridad nito.

Si Cayamora ay inaresto batay sa existing warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa kaniyang ginagawang pag suporta sa mga ginagawang criminal at rebelious activities ng grupong Maute.