Nabahiran ng kontrobersya ang unang naging usap-usapan hinggil sa pag-iisang dibdib nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Ito’y matapos mabunyag ngayong araw ang sinasabing pagsuntok ng 29-year-old actor turned Army reserve sa isa sa close-in security detail ng 31-year-old pop star.

Batay sa police report, pribado lang kasi dapat ang civil wedding ng celebrity couple na ginanap sa isang magarbong hotel sa Taguig kahapon.

Gayunman, nalaman daw ni Matteo na ang bodyguard na si Jerry Tamara ang nagparating sa ina ni Sarah G., hinggil sa private wedding ceremony kaya sumulpot sa hotel bandang alas-11:00 kagabi.

Kuwento ni Tamara, sa lalamunan siya napuruhan ng suntok ni Guidicelli.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay kapwa wala pang komento ang newly wed couple.

Una nang naglabasan ang mga report na tutol si Mommy Divine kay Matteo kahit pa engaged na ang dalawa noong nakaraang taon matapos ang limang taon bilang magkasintahan.

Si Guidicelli ay isa sa tatlong anak ng Italian father nitong si Gianluca Guidicelli at Pinay mother na si Glenna Fernan.

Habang si Geronimo ay pangatlo sa apat na magkakapatid.

Bago magkatuluyan, dating boyfriend ni Sarah si Rayver Cruz habang hindi na na-develop pa ang panliligaw ni Gerald Anderson.

Sa panig ni Matteo, naging gilrfriend nito si Maja Salvador at ang newcomer actress na si Alex Godinez.