Simpleng pagbati ang ipinaabot ni Matteo Guidicelli para sa misis at kapwa artistang si Sarah Geronimo para sa kanilang unang taong anibersaryo bilang mag-asawa.

Nag-post ang 30-year-old Fil-Italian actor ng larawan nila ng 32-year-old pop star kasama ang mga alagang aso na tumatayo sa ngayon bilang kanilang anak.

Ayon kay Guidicelli, si Geronimo ang dahilan kung bakit nakukuha nitong ngumiti lagi tuwing gigising sa umaga.

“You continue to inspire me everyday and I just love celebrating life with you. So proud of you my love! I love you forever. #proudhusband #blessed @justsarahgphā€¯ caption pa nito.

Disyembre noong nakaraang taon nang aminin ni Matteo na hindi pa maayos ang relasyon niya sa mga magulang ng celebrity wife.

-- Advertisement --

Ang pagiging kompleto sana aniya ng pamilya ni Sarah sa kanilang naging pag-iisang dibdib ang katuparan sa mga pangarap nito.

Gayunman, naniniwala siya na sa tamang panahon ay maghihilom din ang isyu at magkaka-bonding sa salu-salo ang mga magulang nila.

Sinasabing bago ang secret wedding nina Matteo at Sarah noong noong February 20, 2020 (02-20-20), kilala ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa pagiging bantay-sarado sa celebrity daughter.