Sa unang pagkakataon, kinumpirma mismo ni Matteo Guidicelli na officially husband and wife na sila ni Sarah Geronimo.

Ito’y sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Ayon sa 29-year-old actor, negdesisyon sila ni Geronimo na isikreto ang pag-iisang dibdib dahil sa “private matters.”

Inilarawan pa nito ang petsang February 20, 2020 (02-20-20) bilang “almost perfect” hanggang sa mangyari ang hindi inaasahang kontrobersya.

Kasabay nito, muling iginiit ni Guidicelli na wala siyang sinapak, taliwas sa rebelasyon ng bodyguard ni Geronimo.

-- Advertisement --

Ginanap ang Christian wedding nina Mr. and Mrs. Guidicelli sa Victory Church sa Taguig.

Una nang naglabasan ang mga report na tutol si Mommy Divine kay Matteo kahit pa engaged na ang dalawa noong nakaraang taon matapos ang limang taon bilang magkasintahan.

Si Guidicelli ay isa sa tatlong anak ng Italian father nitong si Gianluca Guidicelli at Pinay mother na si Glenna Fernan.

Habang ang 31-anyos na si Geronimo ay pangatlo sa apat na magkakapatid.

Bago magkatuluyan, dating boyfriend ni Sarah si Rayver Cruz habang hindi na na-develop pa ang panliligaw ni Gerald Anderson.

Sa panig ni Matteo, naging gilrfriend nito si Maja Salvador at ang newcomer actress na si Alex Godinez.